2 Chinese dinakma sa P1.7 milyong suhol
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - October 10, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Kalaboso ang dalawang Chinese nationals makaraang tangkaing suhulan ng tinatayang P1.7 milyon ang isang opisyal ng Makati City Police kapalit sa pagpapala-ya ng mga Tsino na nadakip sa isang sex den.

Kinilala ang mga naaresto na sina Zhang Xiuqiang, 32 at Fan Jianping, 23, kapwa turista at nakatira sa Unit 2001 Avangate Residences, Meralco Avenue, Exchange Road, Ortigas, Pasig City.

Sa ulat, inaresto ng mga tauhan ng Station Investigation and Detective Ma-nagement Section ang mga suspek dakong alas-3:20 ng hapon sa loob ng tanggapan ng Criminal Investigation Section Office ng Makati City Police sa may kanto ng Ayala Avenue at Yakal Street sa naturang lungsod.

Nabatid na unang naki­pag-usap ang dalawang Tsino sa mga tauhan ng SIDMS na nangumbinsi na magbibigay ng malaking halaga kapalit ng pagpapalaya ng kanilang mga kaibigang Tsino na nadakip sa isang raid sa isang sex den sa Maxx Hotel sa Makati Avenue nitong Lunes ng gabi.

Pinakagat ng mga pulis ang mga suspek saka sinabi sa kanilang hepe na si P/Maj Gideon Ines Jr. na namuno ng operasyon sa sex den.  Pinapasok sa tanggapan ni Gideon ang mga suspek na naglabas ng pera na aabot sa P1.7 milyon. Dito na ipinatupad ni Gideon ang pagdakip sa dalawang suspek. 

ARRESTED
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with