Mister inaway ni misis, nag-suicide

Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - October 6, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nagbigti ang isang mister sa loob kanilang tahanan matapos umanong awayin ng kinakasama sa Brgy. Manggahan, Pasig City kamakalawa ng gabi.

Ang bangkay ni Gregorio Caguicla, 50, ay nadiskubre mismo ng kanyang anak na si John Wesley sa loob ng kanilang tahanan sa Unit C, Block 62 Lot 5, KC 27 Kaayusan Street corner Kaluwagan Street, Karangalan Village, Brgy. Manggahan.

Sa ulat, dakong ala-6:30 ng gabi nang madiskubre ang bangkay ng biktima na nakabigti ng isang nylon cord sa konkretong kisame ng kanilang comfort room. Papasok sana umano ang anak ng biktima sa palikuran ngunit bumulaga ang nakabigting ama.

Bago ang insidente, nagkaroon ng pag-aaway ang biktima at kanyang kinakasama na hindi na tinukoy kung ano. Posibleng labis na dinamdam ng biktima ang nangyari kaya naisipan nitong magpatiwakal.

Gayunman, sinisiyasat pa ng mga awtoridad kung may foul play sa insidente.

 

SUICIDE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with