Lalaki, binaril sa ulo habang nakagapos
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - October 3, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Nakagapos ang dalawang kamay sa likod nang barilin sa ulo ang isang hindi nakikilalang lalaki nang matagpuan sa Quezon City, kahapon ng umaga. 

Ang biktima ay inilarawang nasa edad na 25-30, 5’6 ang taas, katamtaman ang pangangatawan, kayumanggi na nakasuot ng itim na t-shirt at short.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-5:30 ng umaga nang makarinig ng tatlong putok ng baril ang mga residente ng Araneta Avenue sa Quezon City.

Nang tingnan kung saan nanggaling ang putok ng baril ay doon nila nakita ang nakasu­bsob na katawan ng biktima sa isang bakanteng lote na wala nang buhay at may tama ng hindi pa batid na kalibre ng baril sa kanyang ulo.

Hindi kilala sa lugar ang biktima na nakagapos ng cable wire ang dalawang kamay nito.

Sa ngayon ay  nagsasagawa pa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad para mabatid ang pagkakakilanlan ng biktima, matukoy ang motibo ng krimen at madakip ang salarin.

SHOOTING
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with