Ang limang kilo ng shabu na nadiskubre sa isang inabandonang bagahe sa Terminal 1 ng NAIA kahapon.
Kuha ni Rudy Santos
P35 milyong shabu nadiskubre sa inabandonang bagahe sa NAIA
Butch Quejada (Pilipino Star Ngayon) - September 29, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Aabot sa P35 milyong halaga ng shabu ang nadiskubre ng mga awtoridad sa isang inabandonang bagahe sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 kahapon.

Ang naturang bagahe  ay nakita ng isang customs exami­ner habang nagsasalang ng mga unclaimed na bagahe sa arrival area ng nabanggit na terminal.

Tinatayang aabot sa limang kilo ang shabu na nakalagay sa kulay brown na suitcase. May name tag ang bagahe na “Orbillo Nazarene”.

Sinabi ni PDEA NAIA Chief Gerald Javier, ang bagahe ay dumating kahapon dakong alas- 5:46 ng umaga, sakay ng PR 569 mula Hanoi Vietnam.

Ang mga epektos ay dinala ng PDEA sa kanilang tanggapan.

Samantala, sa pinakahuling ulat arestado na ang suspek sa pagpuslit umano ng P35-milyong halaga ng shabu sa. 

Natunton ng pulisya ang suspek na si Nazarene Orbillo sa Tarlac. Nakalagay ang pangalan nito sa bag tag na nakita sa bagahe. 

 

DRUGS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with