^

Metro

2 patay, 1 sugatan sa gumuhong hotel sa Maynila

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
2 patay, 1 sugatan sa gumuhong hotel sa Maynila
Ang pa-ngalawang nasawi sa naganap na pagguho sa dinedemolis na hotel sa Maynila matapos na ma-retrieve ng mga tauhan ng Manila Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) at mga tauhan ng BFP.
Russell Palma

MANILA, Philippines — Dalawa ang patay habang isa pa ang nasugatan matapos na gumuho ang gusali ng isang hotel sa Maynila kahapon ng umaga.

Isinugod naman sa pagamutan ang sugatang biktimang si Edson Ison na nabagsakan ng debris ng ginigibang limang palapag na hotel na matatagpuan sa Mabini St., Malate, Maynila.

Dakong alas-3:00 ng hapon nang tulu­yang makuha sa ilalim ng guho si Melo Ison na sinubukang isugod sa Ospital ng Maynila subalit idineklarang dead on arrival. Makalipas ang ilang oras ay nakuha na rin ang labi ni Jeromie Fabello na natabunan din sa insidente.

Gumamit pa ng drone upang mahanap  ang dalawa at iba’t ibang equipment kabilang ang crane para matanggal ang mga bahagi ng gusali na dumagan sa mga na-trap.

Ayon kay Manila Police District Director P/Brig. General Vicente Danao Jr., dakong alas-9:15 ng umaga nang mag -collapse ang gusali habang nasa loob ang 22 construction workers.

Inatasan na rin ni Manila Mayor Isko Moreno ang City Engineering Department head Armand Andres ng malalimang imbestigasyon sa insidente at kung sino ang dapat na panagutin.

vuukle comment

GUHO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with