^

Metro

Libreng WiFi sa buong San Juan, umarangkada

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Libreng WiFi sa buong San Juan, umarangkada
Ito’y matapos na lu-magda si Zamora at si Department of Information Communications and Technology (DICT) Secretary Gregorio Honasan II ng Memorandum of Agreement (MOA) kahapon para sa kanilang “Free wifi for all” at instalasyon ng mga free internet hotspots sa mga pampublikong lugar sa lungsod.
File

MANILA, Philippines — Tinupad ni San Juan City Mayor Francis Zamora ang kanyang ‘campaign promise’ na magkakaroon na ng libreng WiFi sa buong San Juan City.

Ito’y matapos na lu-magda si Zamora at si Department of Information Communications and Technology (DICT) Secretary Gregorio Honasan II ng Memorandum of Agreement (MOA) kahapon para sa kanilang “Free wifi for all” at instalasyon ng mga free internet hotspots sa mga pampublikong lugar sa lungsod.

Dakong alas-12:45 ng hapon nang isagawa ang naturang MOA signing activities sa San Juan City Hall kahapon, na sinaksihan din ni San Juan City Rep. Ranaldo Zamora.

Kasunod ng paglagda sa kasunduan ay nagkaroon din ng cere­monial switching ng wifi signal.

Nabatid na ang San Juan ang pilot city sa Pilipinas ng “FREE WIFI for ALL program” ng DICT, kung saan, lahat ng 21 barangays ng lungsod ay magkakaroon na ng wifi zones sa mga pampublikong lugar, gaya ng city hall, barangay halls, bara-ngay multipurpose halls, barangay basketball courts, public schools, San Juan Medical Cen-ter, San Juan Public Market, police stations at iba pang public areas, kabilang yaong sakop ng radius ng access points na naglalabas ng wifi signal.

Kaugnay nito, nagpapasalamat naman si Mayor Francis sa DICT dahil sa naturang proyekto, na kaalinsabay ng kanilang SMART CITY PROGRAM.

vuukle comment

WIFI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with