2 patay sa pagguho ng dine-demolish na motel sa Malate; Retrieval ops tuloy
James Relativo (Philstar.com) - September 23, 2019 - 4:06pm

MANILA, Philippines — Patay ang dalawang katao habang sugatan naman ang isa pa matapos gumuho ang isang bahagi ng motel sa Maynila, Lunes ng umaga.

Ayon sa mga first responders, alas-nuebe y media ng umaga nang gumuho ang isang bahagi ng Hotel Sogo Mabini branch sa Malate, Maynila.

Kasama sa mga namatay ay sina Melo Ison at Jeromie Fabello, pagkukumpirma ng Manila Public Information Office.

Alas-tres ng hapon nang matagpuan si Melo, isang construction worker, na wala nang pulso.

Dinala na ang kanyang katawan sa Ospital ng Maynila.

"Nakikiramay po tayo sa kanyang pamilya," sabi ni Manila Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso.

Patuloy pa rin ang retrieval operations upang makuha ang labi ni Fabello.

Sinugod naman sa Philippine General Hospital si Edson Ison.

"Siya ay tumalon habang gumuguho ang isang bahagi kung kaya siya ay nagtamo ng sugat," ayon sa pahayag na inilabas ng Barangay 701 Zone 77 District V. 

Ipinag-utos na rin ni Domagoso na isara ang bahagi ng Hotel Sogo sa Adriatico matapos mapag-alamang tumatanggap pa rin sila ng mga bisita sa kabila ng pag-collapse ng Mabini side ng gusali.

Ayon naman kay Levi Facundo, hepe ng Bureau of Permits sa Maynila, hanggang P5 milyong insurance ang saklaw ng hotel oras na may maidulot na pinsala sa tao at ari-arian.

BUILDING COLLAPSE HOTEL ISKO MORENO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with