7 Chinese tiklo sa NAIA
Butch Quejada (Pilipino Star Ngayon) - September 23, 2019 - 12:00am

Tangkang kidnapping, bulilyaso

MANILA, Philippines — Pitong Chinese nationals­ ang inaresto ng mga tauhan ng PNP-Aviation Group dahil sa umano’y pagta­tangka umanong pagdukot sa isang kapwa nila Chinese sa NAIA Terminal 3, Pasay City.

Kinilala ang mga ina­­resto na sina Jhong Ruei Yu, Zhang Lee, Yang Shu­wen, Wei Chong, Ziu Cheng, Chen Xian at Qi Long.

Sa report, nagpapatrolya si Patrolman Ronald Bercasi sa Gate 7 Departure Curbside Area ng Terminal 3 nang makita nito ang komosyon, dakong ala-6:21 kamakalawa ng gabi.

Naabutan ni Bercasi ang grupo ng mga suspek na pinipilit isakay ang isa pang Chinese sa isang puting Toyota Grandia na may conduction sticker na VG8479.

Nagpasaklolo na rin si Bercasi sa iba pang mga kasamahan at inaresto ang mga dayuhan na nakumpiskahan ng cash na umaabot sa P260,252 mga pasaporte, cellphones, posas, iba’t ibang susi at mga identification cards.

Napag-alaman din na tatlo pang kasamahan ng biktima na nakatakas sa komosyon ang nakahingi rin ng tulong sa iba pang mga otoridad sa airport.

Inireport din ng Aviation Security Group sa PNP-Anti-Kidnapping Group na siya namang nagsagawa ng inisyal na interogasyon sa mga suspek.

Sa pamamagitan ng isang interpreter, natuklasan ang attempted abduction kaya’t isinailalim na ang mga suspek sa kustodiya ng PNP-AKG sa Camp Crame, Quezon City. Danilo Garcia

 

ARRESTED
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with