6 kahon ng liquid marijuana nasabat ng BOC-NAIA
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - September 23, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nasabat kahapon ng mga ahente ng Bureau of Customs (BOC) ang anim na kahon ng liquid marijuana sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na buhat pa sa Romania.

Nadiskubre ang kontrabando nang idaan sa inspeksyon at pagsusuri ang bagahe nang magpositibo ito sa Tetrahydrocannabinol o liquid marijuana.

Ayon sa BOC-NAIA, unang idi­nek­lara ang bagahe na “ULEI CBD full plant extract”  na inimport sa bansa ng sender na nakilala sa pangalang Bayer Jasilica.

May label ang mga kahon na “Lady Mary Farm Cannabidiol CBD Oil BIO” na nanggaling pa sa Romania sa Europa.

Natukoy ng ahensya ang consignee ng package sa pangalang Jeffrey Ciabal Perez ng San Pablo City, Laguna na tinutukoy na ng mga otoridad.

Inihahanda na rin ng BOC ang pagsasampa ng kasong Importation of Dangerous Drugs at paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban kay Perez.

BOC-NAIA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with