Akyat-bahay, dedo sa engkuwentro
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - September 23, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dead-on-the-spot ang isang itinuturong miyembro ng ‘Akyat-bahay gang’ nang makipagbarilan sa mga otoridad sa ikinasang follow-up operation sa Brgy. Malanday, Marikina City kahapon ng madaling araw.

Ang napatay na suspek ay si Jambeel Dasmariñas­, alyas “Makmak”, na sinasabing isang notoryus na magnanakaw sa area ng Marikina at mga kalapit na lugar sa Rizal.

Sa ulat ng Marikina Police, napatay ang suspek dakong alas-3:10 ng madaling araw sa creekside, Libis Bulelak St., corner Narra St, Brgy. Malanday, Marikina.

Bago ito ay nakatanggap ng tawag ang mga ta­­uhan ng Marikina City Police Station Tactical Ope­­ration Center kaugnay sa kahina-hinalang kilos ni Makmak na paikut-ikot sa isang bahay sa lugar na kanyang target na pasukin at pagnakawan.

Dito ay agad na rumes­ponde ang mga otoridad kung saan nagkaroon ng habulan at palitan ng putok ang mga pulis at suspek hanggang sa makorner ang suspek pero sa halip na sumuko ay pi­nilit pa ring manlaban na nagresulta ng kanyang ka­matayan.

Nabawi ng pulisya mula sa napatay na suspek ang isang kalibre .38 baril at mga bala.

AKYAT-BAHAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with