Call center agent, huli sa ‘damo’
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - September 23, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kalaboso ang isang call center agent matapos mahulihan ng mga otoridad ng marijuana makaraang sala­kayin ang tahanan nito kamakalawa ng gabi sa Brgy. Dela Paz, Pasig City.

Sa ulat ng Pasig City Police, dakong alas-11:00 ng gabi nang arestuhin ang suspek na si Robert Quijano, 36, sa kanyang tahanan sa 14 Edward St., Christine Village, sa naturang barangay.

Bago ang pag-aresto ay nakatanggap ng tip ang mga awtoridad hinggil sa ilegal na aktibidad ng suspek.

Kaagad namang nag-aplay ng search warrant ang mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Cpl Edgar Garcia III , at sa bisa nito ay sinalakay ang bahay ng suspek.

Mabilis na dinakip at binitbit sa presinto ang suspek nang makumpiskahan ng 13 pirasong zip lock transparent­ plastic sachet na may lamang pinatuyong dahon ng mari­juana; isang plastic bag na may lamang ‘di pa tukoy na rami ng suspected marijuana leaves; isang plastic canister na may undetermined quantity ng suspected dried marijuana leaves; isang zip lock transparent plastic sachet na may lamang mga buto ng marijuana, isang plastic bag na may lamang mga hinihinalang marijuana stalk; at isang pulang timbagan.

CALL CENTER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with