Tsino dakma sa pagnanakaw
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - September 23, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sa kalaboso ang bagsak ng isang Chinese national­ makaraang iturong responsable sa pagnanakaw ng ma­higit kalahating milyong piso mula sa kanilang kum­panya, kahapon ng madaling araw.

Dinakip ng mga tauhan ng Makati Police si Jiang Pu, 19-anyos na inireklamo ng kanyang kasamahan.

Batay sa complaint ni Zhen Xie, empleyado ng Osiris 360, kinuha ni Jiang ang pera sa kanilang tanggapan sa Double Dragon Plaza sa Macapagal Blvd., Pasay City noon pang Miyerkules, September 18.

Nagkakahalaga ito ng RMB 80,000 o katumbas ng P560,000.

Sinabi pa ni Xie na nadiskubre na lamang nilang nawa­wala ang pera noong Sabado habang hindi na nag-report sa trabaho ang suspek.

Nang makatanggap ng impormasyon na nasa Makati City si Jiang ay nagsagawa na ng operasyon ang mga otoridad na nagresulta sa pagkakaaresto sa kanya dakong ala-1:00 ng madaling araw.

Dinala muna ang suspek sa Pasay City General Hospital para sa medical examination, bago isinuko sa Pasay Police station.

Ayon kay Pasay City Police chief, Col. Bernard Yang, Inihahanda na ang kasong qualified theft laban kay Jiang.

TSINO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with