Abogado na retiradong pulis tinodas
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - September 22, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Namatay ang isang retiradong Police Colonel na full-time na abogado makaraang pagbabarilin ng isang hindi nakilalang salarin sa tapat ng kanyang bahay sa Muntinlupa City kahapon ng madaling araw.

 Nakilala ang napaslang na si Jesus Acpal, 68-anyos, may-asawa at nakatira sa Block 46 Lot 46 C. Arellano Street, Katarungan Village, Brgy. Poblacion, ng naturang lungsod.

 Sa ulat ng Parañaque City Police, kararating lang ni Acpal at ng kanyang anak na lalaki sa kanilang bahay sakay ng kanilang Toyota Fortuner dakong ala-1:05 ng madaling araw.

 Bumaba ng kotse si Acpal para buksan ang kanilang gate nang sumulpot ang salarin at walang sabi-sabing paulanan siya ng bala.  Agad na tumakas ang gunman sa hindi mabatid na direksyon.

 Hindi na nagawang maisugod sa pagamutan ang biktima na nasawi sa lugar ng krimen. Dinala ang kanyang labi sa Loreto Funeral Homes para sa kaukulang otopsiya.

 Bigo ang mga pulis na mahabol ang mga salarin habang narekober ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang 11 napaputok na cartridge buhat sa kalibre 45 baril.

Ayon sa anak ng biktima, wala silang alam na kaaway ng kaniyang ama habang pribado naman umano ang mga kaso na hinahawakan niya sa korte.  Wala ring natatanggap na pagbabanta sa buhay ang biktima bago ang pamamaslang.

 

DEAD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with