12-anyos ginahasa ng ama
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - September 22, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inaresto ng mga awtoridad ang isang 41-anyos na ama makaraang iturong nanggapang at gumahasa sa sarili niyang anak na batang babae sa loob ng kanilang bahay sa Valenzuela City kamakalawa ng umaga.

 Kinilala ang inarestong suspek sa alyas na “Jolan”, isang construction worker at nakatira sa Brgy. Malinta ng naturang lungsod.

 Nasa kustodiya naman ngayon ng Valenzuela City Police-Women’s and Children’s Protection Desk ang 12-anyos na biktima na sinamahan ng kanyang ina sa pagsasampa ng reklamo.

 Sa ulat ng pulisya, alas-6:30 ng umaga nang maganap ang krimen sa loob ng bahay ng mag-ama. Mahim­bing pang natutulog ang bata nang magising siya dahil sa isang kamay na humihipo sa kanyang maseselang parte ng katawan.

 Nang magmulat siya ng mata, tumambad ang sari­ling ama na sinabihan siya na huwag mag-iingay. Dito sapilitan siyang ginalaw ng kanyang ama sa kanyang puwitan sa kabila ng kanyang pag-iyak at pagmamakaawa.

 Nang makarating ang ina buhat sa pamamasukan, agad na nagsumbong ang biktima kaya dali-dali silang nagtungo sa Police Community Precinct 4 para magreklamo. Dito inaresto ng mga pulis ang suspek na positibong itinuro ng kanyang anak.

Nakakulong ngayon sa Valenzuela City Police Detention Center ang suspek na nahaharap sa kasong Incestuous Rape in Relation of RA 7610 (Child Abuse) sa Valenzuela City Prosecutor’s Office.

AMA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with