Tauhan ng travel agency pinatay
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - September 22, 2019 - 12:00am

Payroll money tinangay ng tandem

MANILA, Philippines — Napatay ang isang empleyado ng isang travel agency makaraang barilin ng dalawang lalaki na magkaangkas sa isang motorsiklo kamakalawa ng hapon sa Parañaque City.

Nakilala ang nasawi na si Michael Angelo Manuad, nasa hustong gulang at tauhan ng Excelsior Travel and Tours na may tanggapan sa Matthew Street, Multinational Village, Parañaque City.

 Sa paunang-ulat ng Parañaque City Police, naganap ang krimen dakong ala-1:35 ng hapon sa may Macapagal Avenue, Brgy. Tambo, ng naturang lunsod. 

 Mag-isang naglalakad ang biktima sa gilid ng City of Dreams Hotel and Casino at bitbit ang isang bag na naglalaman ng payroll money ng kanilang kumpanya. Dito hinarang siya ng dalawang salarin at walang sabi-sabing agad siyang binaril saka tinangay ang dalang bag na naglalaman ng pera.

 Agad na tumakas ang mga suspek sa hindi mabatid na direksyon habang nasawi sa lugar ng krimen ang biktima.

 

DEAD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with