60 puno ng marijuana, nasamsam sa condo sa San Juan
(Pilipino Star Ngayon) - September 21, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nakumpiska ng mga awtoridad ang tinatayang aabot sa  60 puno ng high grade marijuana na nakatanim sa mga paso sa isinagawang raid sa condominium unit ng isang hinihinalang Chinese drug trafficker sa   San Juan City nitong Huwebes ng gabi.

Sa ulat ni San Juan City Police Chief P/Col. Jaime Santos na isinumite sa tanggapan ni Eastern Police District (EPD) Director Col. Regie Lacsamana, bandang alas – 7:10 ng gabi nang magsagawa ng raid ang kanilang mga operatiba sa 4th floor at roof deck ng isang condominium sa Rita Street, Brgy. Batis, San Juan City.

Base sa imbestigasyon, ang nasabing condominium unit ay nirerentahan ng Chinese  na si Aaron Huang  mula sa isang tinukoy na Ming Uy, may-ari ng nasabing condominuim.

Ayon kay National Capi­tal Region Police Office (NCRPO) Director Major Gen. Guillermo Eleazar na ang nasabing condominium unit ay ginagamit na ‘indoor cultivation’ ng marijuana na itinuturing na pinakamalaki sa Metro Manila matapos ang unang pagkakadiskubre ng mga marijuana na nakatanim sa isang bahay sa lungsod ng Marikina may ilang buwan na ang nakalilipas.

Unang nakatanggap ng impormasyon ang pulisya tungkol sa  ‘indoor cultivation’  ng marijuana  kaya  agad na nag-apply ng search warrant sa korte at isinagawa ang raid.

Ang nakumpiskang mga puno ng marijuana na nakatanim sa mga paso ay kasalukuyan nang iprinoproseso ng Crime Laboratory Service Team.

Samantalang kakasuhan din ng paglabag sa Section 11 at 16  ng Article 2 sa ilalim ng Republic Act (RA) 9165 ang mga suspect na sina Huang at Uy na kasalukuyan nang pinaghahanap ng mga awtoridad.

MARIJUANA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with