Kelot na nakaposas, itinumba
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - September 21, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Naliligo sa sariling dugo nang madiskubre ang bangkay ng isang hindi pa nakikilalang lalaki na nakaposas nang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin sa Makati City, kahapon ng madaling araw. Patuloy na kinikilala ng pulisya ang nasawi na nakasuot ng itim na t-shirt at shorts pants.

Sa ulat ng Makati City Police, alas-2:30 ng madaling araw nang matagpuan ang bangkay ng lalaki na nakahiga sa kalsada sa Brgy. Bangkal.

Unang nakarinig ng magkakasunod na putok ng baril ang mga residente sa lugar kaya itinawag kaagad nila ito sa kanilang opisyales ng barangay na rumesponde sa lugar. 

Narekober ng mga pulis ang limang basyo ng bala buhat sa hindi pa mabatid na kalibre ng baril. Patuloy ang imbestigasyon sa insidente habang inaalam kung nakunan ang mga salarin sa mga nakakalat na closed circuit tele­vision camera sa barangay.

DEAD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with