Top 6 drug trafficker sa Quezon City, utas sa encounter
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - September 21, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Napatay ang itinuturing na top 6 drug trafficker matapos na pumalag sa arresting team ng pulisya sa naganap na shootout sa Novaliches, Quezon City kamakalawa.

Kinilala ni Acting Quezon City Police District (QCPD) Director P/Col. Ronnie Montejo ang napatay na suspect na si Riyad Sunga, 28, residente ng Brgy. Sauyo, Novaliches ng lungsod.

Bandang alas- 5:15 ng hapon, ayon kay Montejo nang magsagawa ng operasyon ang mga elemento ng Police Station (PS) 4 sa pamumuno ni P/Lt. Col. Rossel Cejas  upang isilbi ang search warrant laban sa suspect sa tirahan nito sa  nabanggit na lugar.

Ang search warrant ay inisyu ni Acting 2nd Vice Executive Judge Ferdinand Baylon laban kay Sunga.

Gayunman, nang makita ang presensya ng mga pulis ay nagtatakbo ang suspek na tumalon sa bintana ng kanyang bahay saka pinaputukan ang mga operatiba na nagresulta sa shootout .

Sa palitan ng putok ay napatay ang suspect habang nakuha naman mula sa bulsa ng damit nito ang limang sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P 34,000.00 at pitong sachet ng pinatuyong dahon ng marijuana.Nakuha rin sa lugar ang isang cal. 38 revolver, mga bala ng nasabing armas, drug paraphernalia at karagdagang 10 sachet ng shabu sa kanyang sling bag, isang pilak na bracelet at 20 piraso ng P 20 peso bill.

DRUG TRAFFICKER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with