Si Quezon City Mayor Joy Belmonte kasama ang mga barangay officials at mga lechoneros sa La Loma habang sabay-sabay na kumain ng lechon para ipakita na ligtas ito sa African Swine Flu (ASF).
Kuha ni Boy Santos
Public school health program, inilunsad ni Mayor Joy Belmonte
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - September 21, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Bilang isa sa mga prayoridad ng kanyang administrasyon, pormal nang nailunsad kahapon ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang Public School Health Program  bilang isa sa kanyang  agenda para  higit na mapangalagaan ang kalusugan ng mga kabataang mag-aaral sa mga public schools sa  lungsod.

Ito ay makaraang lumagda sa isang memorandum of agreement si Belmonte sa pagitan ng QC Division of City Schools, Philippine Dental Association-QC Dental Chapter, Novaliches Eye Center , QC health department , QC Medical Society Inc para itaguyod ang naturang prorama sa lahat ng mga pampublikong paaralan sa lungsod na may temang “Malusog na Kabataan, Ma­ginhawang Kinabukasan”.

Sinabi ni Mayor Belmonte na nakapaloob sa naturang programa ang pag-iikot ng medical team sa mga public schools ng QC para magkaloob ng physical check up, dental check up at eye check up sa mga mag-aaral.

“Tulad ng private schools, mayroong mga doctor  na palagiang tumitingin sa kalusugan ng kanilang mga mag-aaral, kaya ito pong programa natin ang titiyak naman sa kalusugan sa mga mag-aaral sa public schools” pahayag ni Belmonte.

Target ng QC gov’t na mabenepisyuhan ng programa ang may 250,000 public school kindergarten hanggang grade 4 pupil.

Binigyang diin ni Belmonte na kukuha ng dagdag na doctor ang QC government para ilagay sa mga health centers.

JOY BELMONTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with