Karambola ng 3 trak: Driver patay
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - September 21, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dahil sa natagalan bago matanggal sa loob ng naipit na sasakyan, nasawi ang isang driver nang magkarambola ang tatlong trak sa Osmeña Highway, Makati City, kahapon ng madaling araw.

Hindi na umabot pang buhay sa Ospital ng Makati   si Manuel Nebres, ng Balibago, Sta. Rosa, Laguna.

Sa ulat ng Makati City Police, alas-12:36 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa  Osmeña Highway Flyover Southbound, Brgy.  Palanan, sa naturang lungsod.

Minamaneho ni Nebres ang isang Isuzu Giga Dropside Truck (ACN 5052) na may kargang buhangin sa kahabaan ng southbound lane ng naturang highway nang maatrasan umano ng sinusundan na Fuso Tractor. Pumihit ang Fuso Tractor dahilan para mabundol din ang isa pang trak  na may bitbit na container van na nasa kabilang lane.

Napipi ang harapan ng trak ni Nebres na naipit sa loob. Nabatid na umabot ng dalawang oras bago siya natanggal sa pagkakaipit at naisugod sa pagamutan.  
Tumakas ang tsuper ng nakabundol na Fuso Tractor habang nakilala naman ang tsuper ng isa pang nabunggong trak na si Joemil Pelengco, 37 na hindi naman nagtamo ng pinsala sa insidente.

DEAD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with