4 na napalayang convicts sa GCTA, tiklo ng tracker team
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - September 21, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Bago pa man ipahinto ang pagtugis sa mga napalaya sa ilalim ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) na hindi nagsisuko matapos ang 15-day deadline, apat na mga convicts ang nadakip ng binuong tracker team ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) hanggang kahapon ng umaga.
Nakilala ang mga naaresto na sina Ernesto Zaldivar, 64, may kasong rape at naaresto sa kanyang bahay sa Makati City; Rolando Cano, 46, obrero, may kasong rape at nadakip sa Tondo, Maynila; Jose Lozada, 72-anyos, may kasong rape, naaresto sa may kanto ng Moriones at Kagitingan Street, Tondo, Maynila at si Cezar Pingco, 40, may kasong rape at nadakip naman sa kanyang bahay sa Brgy. Poblacion, Muntinlupa City.

Ang pag-aresto sa apat na mga inmates ay makaraan ang pagtatapos nitong Set­yembre 19 ng 15 na palugit na itinakda ni Pangulong Rodrigo Duterte para muling sumuko ang mga bilanggo na napalaya sa pamamagitan ng kontrobersyal na GCTA Law.

Binuo ni NCRPO Director, PMajGen Guillermo Eleazar ang iba’t ibang tracker teams mula sa 26 na police stations sa limang distrito sa Metro Manila para habulin ang mga inmates na tumangging kusang-loob na sumuko.

Sa datos ng Bureau of Corrections (BuCor), may 202 “Person Deprived of Liberty (DPL)” ang nasa Metro Manila. Sa naturang bilang, nasa 21 lamang ang kusang-loob na sumuko sa mga istasyon ng pulisya, tatlo ang dumirekta sa BuCor habang dalawa na ang namatay sa normal na dahilan.
May 27 pang iba ang sumuko ngunit galing sa mga pro­binsya para sa kabuuang 51 inmates. Dahil dito, may 176 PDL ang pinaghahanap ng tracker teams ng NCRPO.

Muli namang nanawagan si Eleazar sa mga PDLs na kusang isuko na ang mga sarili habang pinaalalahanan din ang mga kaanak na pagsabihan ang kanilang mga mahal sa buhay na sumuko at patunayan na nararapat sila sa ibinigay na kalayaan sa ilalim ng GCTA. Joy Cantos

TRACKER TEAM
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with