^

Metro

Pison, container van na nakahambalang, inacetylene

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

Clearing ops sa Maynila

MANILA, Philippines – Nagsagawa ng biglaang  clearing operations si Manila Mayor Isko Moreno kasama ang Manila Department of Public Service, Manila Department of Public Works at ilan pang tauhan ng city hall , kahapon ng umaga sa Moriones, Tondo, Maynila.

Bumungad kay Moreno ang mga pison at container van na ginagawang tulugan ng contractor kaya agad niyang pinabaklas ang mga ito gamit ang acetylene.

Pinahakot din ang mga nasa  center island na ginawa nang tambakan ng  panabong na manok, duyan, mga kariton at  tent ng fire volunteer.

Sinita naman ni Moreno si Brgy. Chairman Mario Banal dahil sa kawalan ng aksyon nito na linisin ang kanyang nasasakupan. Ani Moreno, kung hindi kikilos si Banal ay papanagutin niya ito.

Ayon naman kay Manila  City  Engineer Armand Andres, nasa 90 porsiyento  na ang nalinis  na obstruction. 

Aniya tiwala sila na matatapos nila ang clearing bago umabot ang deadline ng pamahalaan sa Setyembre 29.

Ngunit ayon kay Moreno, kahit matapos ang deadline, tuluy-tuloy pa rin ang kanilang gagawing clearing operations

Kabilang sa mga lugar na malaki ang problema sa obstruction ay  Sta. Cruz, Quiapo at Tondo.

Nabatid kay Moreno na dalawang barangay chairman na ang kanilang kinasuhan dahil sa patuloy na pagdedma sa kautusan.

vuukle comment

INACETYLENE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with