8 tauhan ng Coast Guard guilty sa pagkamatay ng Taiwanese fisherman
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - September 19, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Hinatulang guilty ng Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 15 ang walong tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa pagkamatay ng isang Taiwanese fisherman sa Balintang Channel noong 2013.

Ibinaba ni Manila RTC Judge Eduardo Ramon Reyes sa walong PCG personnel ang  hatol na 8 hanggang 14 na taong pagkakabilanggo makaraang mapatunayang may sala sa pagkamatay ni Hong Chi Sheng sa karagatang sakop ng Batanes, noong Mayo, 2013.

Kabilang sa mga akusado ay sina Commander Arnold dela Cruz; Seaman Second Class Nicky Aurelio; Seaman First Class Edrando Aguila; Seaman First Class Mhelvyn Bendo II; Seaman First Class Andy Gibb Golfo; Seaman First Class Sonny Masangkay; Seaman First Class Henry Solomon; at Petty Officer Richard Corpuz.

Una nang hiningi ng  PCG  ang pagbasura sa  kaso dahil umano sa kakulangan ng sapat na ebidensiya subalit ibinasura  ito ng korte.

Ayon sa PCG, self defense ang insidente nang paputukan nila ang Taiwanese fishing vessel na Kuang Ta Hsing No. 28 sa Balintang Channel sa Batanes.

Nabatid na binangga ng nasabing vessel na may sakay na  tatlong Taiwanese at isang Indonesian ang  PCG patrol boat.

Giit  pa ng mga akusado  walang makakapagturo na sila ang responsable sa pagkamatay ni Sheng.

Ngunit sa testimonya ng mga Taiwanese bigla na lamang silang pinaputukan ng Coast Guard ng walang anumang rason.

Magugunitang naging dahilan ang insidente ng pagkakaroon ng lamat sa relasyon ng Pilipinas sa Taiwan dahil sa pagkamatay ng naturang Taiwanese fisherman.

Naalis lamang ito nang humingi ng tawad ang Philippine government sa Taiwan at nagsampa ng kaso ang NBI laban sa walong akusado. 

COAST GUARD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with