^

Metro

Hog raisers sa Quezon City binigyang ayuda ni Mayor Joy Belmonte

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sinimulan na kahapon ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang pagkakaloob ng financial assistance sa mga backyard hog raisers na naapektuhan ng  African Swine Fever (ASF) sa Brgy. Bagong Silangan sa lungsod.

Umaabot sa P3,000 hala­ga ng ayuda na natanggap ng hog raiser sa bawat isang malaking baboy at P1,500 kada biik na isinailalim na sa depopulation o pagpatay sa mga maysakit na baboy.

Sinabi ni Belmonte na ang ayudang pondo ay bukod pa  sa livelihood at scholarship program na ipag­kakaloob sa mga pamilya ng mga apektadong hog raisers.

Aniya, tutulungan din ang mga illegal hog raisers na magkaroon ng ibang uri ng trabaho para sa kanilang pamilya.

 “Hindi natin sila maaa­ring pabayaan, lalo na sa panahong kailangan nila ng tulong mula sa lokal na pamahalaan. Naririto kami para tumulong hanggang muli silang makabangon mula sa problemang ito,” sabi ni Belmonte.

 Sa ngayon ay  may 146 na baboy na ang pinatay at nailibing sa QC.

Una nang inutos ni Belmonte ang pagpatay sa mga maysakit na baboy mula sa Sitio Veterans (area 5) at Oriole (area 2) sa Brgy. Bagong  Silangan makaraang kumpirmahin ng Bureau of Animal Industry (BAI) na positibo sa ASF ang  blood samples na kinuha sa mga natagpuang patay na baboy sa barangay  noong isang linggo.

 Nanawagan din si Belmonte sa mga barangay officials na nasa 1-kilometer radius na makipagtulungan na kilalanin ang mga informal backyard hog raisers at samahan ang QC  veterinary office na kumuha ng  blood samples doon para maisu­mite sa BAI para sa pagsusuri.

vuukle comment

HOG RAISERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with