^

Metro

Jeep inararo ng truck: 2 patay, 14 sugatan

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Jeep inararo ng truck: 2 patay, 14 sugatan
Ang ilang pasahero sa jeep na tumalsik palabas nang banggain sila ng isang ten-wheeler truck kahapon.
Kuha ni Miguel de Guzman

MANILA, Philippines – Dalawa katao ang nasawi at 14 ang nasugatan makaraang araruhin ng isang 10-wheeler truck ang isang pampasaherong jeep sa Min­danao, Avenue sa Que­zon City, kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang dalawang nasawi na kapwa pasahero ng jeep na  sina Jay Rufino Pamplina, 23, at Mark Angelo Bernardo, 20. 

Ang mga nasugatan na ngayon ay ginagamot sa iba’t ibang pagamutan ay sina Joana Marie Pequit, Kristelle Cay Dalope, Matias Esqure, Janice Macarubbo, Ruby Panganiban, Mivan Ortega, Floralyn Baldosa, Bernadeth Arabos, Generoso Catig, Mark Anthony Gatcha­lian, Ronuel Manabad, Jenny Rose Catig, John Micheal Bibit at Johnson Pagunatalan. 

Ayon kay P/Staff Sergeant Andy Sotto ng QCPD Traffic Sector 6, ang aksidente ay naganap dakong ala-1:00 ng madaling araw sa u-turn slot ng Mindanao Avenue, Brgy. Tandang Sora, Quezon City.

Ayon sa report, ang aksidente ay naganap habang kasagsagan ng malakas na ulan sa lugar.

Nabatid na galing ng Sangandaan ang jeep na minamaneho ni Lewelyn Juad at pa-u-turn sa St. James nang salpukin at araruhin ng trailer truck na minamaneho ni Herlin Panero.

Ayon sa pahinante ng trailer truck na si Mark Gatchalian, ga­ling sila ng Las Piñas at patungong garahe sa Valenzuela nang maganap ang aksidente.

Hindi umano napansin ng kanyang driver ang jeep na nasa kanilang harapan dahil sa malakas na ulan at hindi na kinaya pa ng kanilang preno at tuluyan nang bumangga.

Tumilapon at humandusay sa kalsada ang mga pasahero ng jeep na nagresulta ng pagkamatay ng dalawa at pagkakasugat ng 14.

Yupi-yupi at wasak ang likuran at gilid na bahagi ng jeep dahil sa lakas ng impact ng banggaan.

Nahaharap ngayon sa kasong reckles driving resulting to double homicide at multiple physical injuries ang driver ng truck.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with