^

Metro

Emergency powers sa Pangulo, police powers sa MMDA, iginiit

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hiniling ng isang opisyal ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na mabigyan na ng ‘emergency powers’  si Pangulong Rodrigo Duterte at magkaroon na rin sila ng ‘police powers’  para epektibong mapaluwag ang trapiko at mapatupad ang batas-trapiko.

Kinontra ni MMDA EDSA Special Traffic and Transport Zone chief Edison Nebrija ang pahayag ni Senador Grace Poe na may sapat nang mga batas para sa mabilis na procurement kaugnay ng mga pangangailangan sa pamamahala sa trapiko.

Sinabi ni Nebrija na iba ang sinasabi ng mga politiko sa tunay na nangyayari sa ‘ground’.

Inihalimbawa niya ang pagtatayo nila ng tulay na naaantala dahil sa pagkontra ng ibang sektor at pagpapalabas ng TRO (temporary restraining order) ng korte.

 Idinagdag pa niya ang isyu sa ‘right of way’.  Partikular dito  ang pagkaantala sa pagtatayo ng Skyway 3 dahil sa isyu sa ‘right of way’ kaya kinakailangan pang ire-route ang konstruksyon sa San Juan river.

Naniniwala si Nebrija na kung mabibigyan ang Pangulo ng ‘emergency powers’ ay mas mapapabilis ang konstruksyon ng mga proyekto ng pamahalaan. 

 Kung maibibigay ito sa Pangulo, hihilingin rin umano nila na mabigyan ang mga tauhan ng MMDA ng ‘police powers’.

Kailangan umano ito lalo na ng mga enforcers na pinagtatawanan lamang ng mga bus drivers dahil sa nahihirapan silang kumpiskahin ang lisensya ng mga abusadong tsuper.

Samantala, umapela rin si Nebrija sa mga mambabatas kaugnay ng pagtatapyas ng 69 porsyento sa kanilang budget sa darating na 2020.

Dapat umanong ikunsidera ng mga solon ang hirap na dinaranas ng mga enforcers sa pagmamando sa kalsada na lantad sa polusyon at pagkakasakit kaya marami nang tauhan nila ang nawala sa serbisyo dahil sa sakit sa baga.

Matagal na umano nilang hinihiling ang pagbibigay ng ‘hazard pay’ sa mga enforcers na lalong hindi mangyayari dahil sa pagbabawas sa kanilang budget.

vuukle comment

EMERGENCY POWERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with