Prinisinta ni NCRPO Chief Major. Gen. Guil­lermo Eleazar ang nasamsam na illegal drugs na nagkakahalaga ng P204 milyon.
P204 milyong droga nasamsam sa galamay ng drug lord
Mer Layson, Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - September 18, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tinatayang aabot sa 30 kilo ng hinihinalang shabu, na may estima­ted street value na P204 milyon, ang nakumpiska ng mga awtoridad mula sa naaresto nilang drug suspect na galamay ng drug lord sa Bilibid sa isinagawang pagsalakay sa inuupahan nitong condo unit sa Brgy. Rosario, Pasig City kama­kalawa ng gabi.

Nakilala ang nadakip na suspect na si Manolito Lugo Carlos, alyas Lito at Tonge na nakatakdang sampahan ng mga kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng Republic Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at RA 10591 o The Comprehensive Law on Firearms and Ammunition sa piskalya.

Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-7:40 ng gabi nang maaresto nang pinagsanib na puwersa ng NCRPO Regional Drug Enforcement Unit (RDEU) at Pasig City Station Drug Enforcement Unit-Eastern Police District, sa pakikipagtulungan ng PDEA- NCR Regional Office, ang suspek sa isinagawa nilang pagsalakay sa inuupahan nitong unit sa Building M2, 4th Floor, Unit 416, Sorrento Oasis Residences, C. Raymundo Avenue, Brgy. Rosario.

Bago ang operasyon, nakatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad hinggil sa ilegal na aktibidad ng suspek.

Matapos ang puspusang surveillance ay kumuha ng Search Warrant ang mga awtoridad mula sa tanggapan ni Executive  Judge  Danilo Cruz ng Pasig City Regional Trial Court  Branch 152 upang halughugin ang naturang lugar na inuupahan umano ng suspek upang gawing bodega ng ilegal na droga.

Narekober ng mga awtoridad mula sa suspek ang may 30 malalaking plastic packs ng Chinese Tea, na nang buksan ay natuklasang bawat plastic pack pala ay naglalaman ng nasa isang kilo ng hinihina­lang shabu o kabuuang 30 kilos, at may estimated street value na P204 milyon.

Bukod dito, nakakumpiska rin ang mga awtoridad ng assorted drug paraphernalia at iba’t ibang bank deposit slips, na may nakalagay na malalaking halaga ng remittances, na sinasabing bayad para sa ilegal na droga.

Ayon sa pulisya, sa imbestigasyon nila ay lumitaw na ang suspek ay isang high-value target at miyembro ng isang syndicated orga­nized gang na sangkot sa illegal drug trade sa Metro Manila, Region 3 at Calabarzon.

 Taong 2000 umano nang unang maaresto ang suspek sa kasong illegal na droga ngunit pinawalang-sala ng isang hukuman sa Mandaluyong.

Gayunman, sa halip na magbagong-buhay, muli umano itong bumalik sa ilegal na gawain.

Sinabi naman ni NCRPO Chief, P/Maj. Gen Guillermo Lorenzo Elea­zar, konektado si Carlos sa isang napatay na suspek sa isang buy-bust operation sa Quezon City noong Linggo, na sinasabing may kontak na drug lord, na kahit nagsisilbi ng sentensiya sa New Bilibid Prison (NBP) ay tuloy pa rin sa kanyang ilegal na aktibidad.

ILLEGAL DRUGS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with