^

Metro

Inirekomenda ng solon tuwing rush hours Private vehicles ibawal sa EDSA

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Inirekomenda ng solon tuwing rush hours Private vehicles ibawal sa EDSA
Ayon kay Erice, Vice chairman ng House Committee on Metropolitan Development, dapat ay bawal na dumaan sa EDSA ang mga pribadong sasakyan tuwing alas-6 hanggang alas-9 ng umaga at mula alas-6 hanggang alas-9 ng gabi.
File

MANILA, Philippines — Para masolusyunan ang matinding traffic sa Metro Manila at dahil sa papalapit na Christmas season, inirerekomenda ni Caloocan City 2nd District Rep. Edgar Erice na ipagbawal sa EDSA ang mga pribadong sasakyan tuwing rush hours.

Ayon kay Erice, Vice chairman ng House Committee on Metropolitan Development, dapat ay bawal na dumaan sa EDSA ang mga pribadong sasakyan tuwing alas-6 hanggang alas-9 ng umaga at mula alas-6 hanggang alas-9 ng gabi.

Kaya nangangahulugan umano na mga pampublikong sasakyan o mass transport lang ang bibiyahe sa mga oras na ito sa EDSA o tatawaging “mass transport highway”.

Paliwanag ni Erice, na nasa halos 300,000 ang pribadong sasakyan na bumibiyahe sa EDSA araw-araw at mas marami ito sa 8,000 pampublikong bus na dumaraan sa nabanggit na highway sa araw-araw.

Idinagdag pa ng kongresista na maaari namang pag-aralan kung mapapayagan ang mga motorsiklo at ride-hailing firm tulad ng Grab na bumiyahe sa EDSA kahit rush hour.

Subalit nilinaw niya na, pansamantala at madaliang solusyon lamang ito habang hinihintay na matapos ang mga itinatayong imprastruktura at pagsasaayos ng railway system sa Metro Manila.

Ayon naman kay MMDA General Manager Jojo Garcia na isasangguni niya sa Metro Manila Council sa magpupulong sa Oktubre 2 at 3 ang suhestiyon ni Erice dahil kailangan pa itong pag- aralan at kung paano ito ipapatupad at kung gagawing hybrid.

vuukle comment

EDSA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with