^

Metro

2 holdaper dedo sa shootout

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
2 holdaper dedo sa shootout
Inilarawan lamang ang ‘di pa kilalang mga suspek sa edad na 35-40, maraming tattoo sa katawan na nasawi matapos magtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
File

MANILA, Philippines — Patay ang dalawang notoryus na holdaper nang manlaban sa mga nagpapatrul­yang tauhan ng Manila Police District-Station 10, sa Malate, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Inilarawan lamang ang ‘di pa kilalang mga suspek sa edad na 35-40, maraming tattoo sa katawan na nasawi matapos magtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa ulat ni P/Chief Master Sergeant ­Richard Escarlan ng MPD-Homicide Section, naganap ang insidente dakong ala-1:30 ng madaling araw sa panulukan ng Leon Guinto at Dagonoy Sts., Malate.

Nabatid na nagsasagawa ng anti-criminality operation ang mga pulis nang namataan ang riding in tandem na nag-counter flow kaya sila sinita.

 Hindi na pinalapit pa ang mga suspek ang mga operatiba na agad nagbunot umano ng baril at pinaputukan ang direksiyon ng mga pulis na nauwi sa palitan ng putok.

 Kapwa bumagsak ang dalawa na sinubukan pang isalba nang dalhin sa Ospital ng Maynila kung saan idineklarang dead on arrival.

Nang beripikahin, natukoy na ang mga suspek ang madalas mangholdap umano sa lugar.

vuukle comment

HOLDAPER

SHOOTOUT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with