Mister, itinumba sa loob ng bahay
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - September 17, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang mister ang pinasok sa loob ng kanyang bahay at saka malapitang sunud-sunod na pagbabarilin na nag­resulta ng kanyang agarang kamatayan sa Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang nasawi na si Rommel Martinez Ramirez, 45, ng Kalayaan C. Ext., Brgy. Batasan Hills, Quezon City.

Batay sa pahayag ni Ma. Jean Idanan, kapatid ng biktima kay PCpl. Alexiss Mace Jurado, imbestigador ng CIDU, dakong alas-8:30 ng gabi habang nanonood umano sila ng TV nang biglang pumasok sa kanilang bahay ang isang armadong lalaki.

Nilapitan ang kanyang kapatid at sunud-sunod na pinaputukan ng baril sa mukha at sa katawan.

Nang duguang bumulagta ang biktima ay kaswal na naglakad lamang ang suspek na  nakasuot ng itim na jacket, at bull cap, patungo sa kanilang get-away na motorsiklo kung saan naghihintay ang kasama nitong nakasuot ng helmet.

Nakuha sa crime scene ang tatlong basyo ng bala ng ‘di-pa batid na kalibre ng baril.

Nagsasagawa pa ng masusing imbestigasyon ang pulisya para makilala ang suspek at mabatid ang motibo ng krimen.

KRIMEN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with