^

Metro

2 most wanted sa Navotas, tiklo

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bumagsak sa kamay ng Navotas City Police ang Top 1 at Top 7 most wanted sa lungsod sa magkahiwalay na operasyon, kamakalawa.

Nakilala ang mga inaresto na sina Ferdinand De Leon, alyas “Utak”, Top 1 Most Wanted sa kasong Murder at Frustrated Murder at si Reynaldo Santos, Top 7 Most Wanted sa kasong Rape na nakasampa sa Navotas Regional Trial Court Branch 238.

Sa ulat ng Navotas City Police-Warrant and Subpoena Section, alas-10:20 ng umaga nang maaresto si De Leon sa tinutuluyang bahay sa M. Devera St., Brgy. Sipac Almacen, sa naturang lungsod.

Sa rekord ng pulisya, katuwang ang isang Wally Guinto, binaril at napatay nila ang biktimang si Marlon Marinas noong Mayo 7, 2019 sa Judge Roldan St., Brgy. San Roque sa Navotas.

Alas-10:35 ng umaga naman nang maaresto si Santos nang ihain ang warrant of arrest sa Market 3 Fishport Area, Brgy. North Bay Boulevard North.

Sa rekord, ginahasa ng suspek ang isang babae na itinago sa pangalang “Lanie” noong Enero 27, 2019 sa Market 3.

Ibinalik na sa korte ang mga warrant of arrest habang hinihintay ng pulisya ang utos ng korte sa pagkukulungan sa mga wanted na naaresto.

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with