Nagtapon ng mga patay na baboy sa Marikina, tukoy na
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - September 16, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — May lead na ang City Government ng Marikina kung sino ang nasa likod ng pagpapaanod ng nasa 56 patay na baboy sa Marikina River, kamakailan.

Ayon kay Marikina City Mayor Marcelino “Marcy” Teodoro, mayroon na silang lead kung saan nagmula ang mga baboy at ibinigay na nila ang impormasyon hinggil dito sa mga otoridad.

“Binigay ko ‘yung lead of information for the possible place or location, a material information that could possibly point to the source. Ang city naman, we are serious in filing cases against the culprit whoever would be found in violation of clean water act, and sanitation law,” ani Teodoro.

Aniya pa, mga kasong sibil at kriminal ang naghihintay sa mga salarin dahil sa hindi tamang pagdi-dispose ng mga patay na baboy.

Kaugnay nito, matapos na matanggap ang tip mula sa lokal na pamahalaan, nabatid na nagpadala naman na ang Department of Agriculture, sa pamamagitan ng Bureau of Animal Industry (BAI), ng team sa Montalban, Rizal upang maimbestiga sa insidente.

MARIKINA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with