Ang nadakip na ginang na ginagamit ang kanyang beybi sa pagbebenta sa ilegal na droga.
Ginang naaktuhan sa shabu: Sanggol gamit sa pagtutulak
Marc Jayson Cayabyab (Pilipino Star Ngayon) - September 15, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang 40-anyos na ginang ang dinakip ng mga awtoridad makaraang gamitin ang kanyang 3-month old na beybi para itago dito ang sachet ng shabu sa Tondo, Maynila.

Huli sa akto si Annalisa Aligado na nagbebenta ng shabu sa may Capulong St. ng mga barangay officials na noon ay nagsasagawa ng clearing operations, ayon kay Brgy. Kagawad Al Valenzona.

Karga ni Aligado ang sanggol kung saan itinago niya sa medyas ng bata ang binebentang shabu.

Bukod dito, isa pang sachet ng shabu ang nakuha sa stroller ng beybi.

Ayon pa sa kagawad palagi umanong dinadala ng suspect ang beybi para hindi ito mapagsuspetsahan sa kanyang ilegal na gawain,

Itinurn over ang beybi sa social  worker habang nahaharap naman sa kaso si Aligado.

DRUGS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with