^

Metro

6 pa huli sa drug ops

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Muling sinalakay ng mga anti-drug operatives ang notoryus na pugad ng mga ‘tulak’ at durugista sa Market 3 sa Navotas City kung saan anim ang panibagong nadakip ng mga pulis, kama­kalawa ng gabi.

Kinilala ang mga nasakote na sina Bryan Ortola, 35; Erwin Yambao, 26; Jover Alarcon, 22; Berlyn Villegas, 34; Roy Dionisio, 40 at Leo­nardo Fortezo, 38.

Sa ulat ng pulisya, alas-11 ng gabi nang magsagawa ng surveillance operation ang Station Drug Enforcement Unit sa Market 3 sa Brgy. North Bay Boulevard North.

 Habang naniniktik ang mga pulis, natiyempuhan nila ang mga suspek na nakaistambay sa lugar at pare-parehong may hawak na ilegal na droga na tila ibinibenta sa kalsada sa kanilang mga parokyano.

 Dito nilapitan ng mga pulis ang mga suspek at nagpakilalang mga pulis.  Hindi na nagawang makatakas ng mga suspek nang mapalibutan sila ng mga armadong otoridad.

Anim na plastic sachet ng shabu ang nakumpiska sa mga suspek na nahaharap na ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

vuukle comment

DRUG OPS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with