^

Metro

Delivery boy kulong sa bomb joke

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nauwi sa pagkakalaboso ang biro ng isang delivery boy nang sabihin niyang may lamang bomba ang kanyang ididiliber na pac­kage habang iniinspeksyon ng mga guwardiya ng isang casino hotel sa Parañaque City nitong Biyernes ng hapon.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Presidential Decree No. 1727 o ang Anti Bomb Joke Law ang suspek na si Reynaldo Balisi Jr., 30, Unit B San Nicolas A2, Bacoor, Cavite.

Sa ulat ng Parañaque City Police, naganap ang insidente sa may Theater Driveway ng Solaire Resort and Casino sa may Aseana Avenue, Brgy. Tambo dakong alas-3:50 ng hapon.

Iniinspeksyon ng mga security personnel ng Bloomberg Resorts and Hotel Inc. ang dalang delivery box ng suspek sakay ng kanyang motorsiklo nang magbiro siya sa guwardiya na, “May bomba diyan.”

Dahil dito, ipinatupad ng mga guwardiya ang pag-aresto kay Balisi na kinalaunan ay inamin na hindi niya alam na labag sa batas ang ginawa niyang pagbibiro.

vuukle comment

DELIVERY BOY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with