^

Metro

Simpleng bungguan, kelot tinarakan

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dahil lamang sa simpleng bungguan, sugatan ang isang lalaki makaraang saksakin siya ng magkapatid na construction worker, kahapon ng madaling araw sa Makati City.

Nakaratay ngayon dahil sa saksak sa kaliwang braso at ibabang bahagi ng katawan sa Ospital ng Makati ang biktimang si Eddie Baldomar, 58, may-asawa, at nakatira sa Negros Street, Brgy. Pitogo, ng naturang lungsod.

Agad na naaresto ang mga suspek na sina Renato Hiligan, 32 at  Milan Hiligan, 22, kapwa nakatira sa Brgy. Felix, Cainta, Rizal.

Sa ulat ng Makati City Police, naglalakad ang biktima sa may Kalayaan Street sa Brgy. Pitogo nang makabungguan niya ng katawan ang isa sa mga suspek pagsapit ng kanto ng Mindoro Street.

Dito nagkaroon ng pagtatalo nang masamain ng mga suspek ang pagkakabunggo.  Sa kainitan ng diskusyon, naglabas ng patalim ang mga suspek at dalawang beses na sinaksak si Baldomar saka mabilis na nagtatakbo sa kanilang pagtakas.

Agad na narespondehan ng mga rescuers ang biktima at naisugod sa pagamutan habang nakorner sa ikinasang follow-up operation ang magkapatid na suspek na nahaharap ngayon sa kasong frustrated homicide sa Makati City Prosecutors Office.

vuukle comment

BUNGGUAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with