36 patay na baboy, itinapon sa Marikina River
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - September 13, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Tatlumpu’t anim na patay na baboy na hinihinalang tinamaan ng sakit na African Swine Flu (ASF) ang nadiskubreng itinapon at ipinaanod sa Marikina River sa Marikina City kahapon.

Ayon sa Marikina Vete­rinary Office, hanggang alas-2:00 ng hapon nitong Huwebes ay kabuuang 36 na patay na baboy ang nakita sa ilog sa bahagi ng Bayabas Street sa Barangay Nangka at Calumpang.

Nabatid na dakong alas-8:00 ng umaga nang makita ang isang baboy malapit sa estatwa ng “Marikit” habang lima sa mga ito ang na-trapped naman sa mga basura sa ilog, at ang iba pa ay patuloy na inaanod ng malakas na agos ng tubig.

Dalawa umano sa mga baboy ay naiahon malapit sa area ng Kalumpang Chapel at nailibing na ng mga residente.

Kahapon ay natagpuan din sa Brgy. Calumpang ang iba pang mga patay na baboy.

Kaugnay nito, kaagad namang hiniling ni Marikina City Mayor Marcelino ‘Marcy’ Teodoro sa Department of Agriculture (DA) na maimbestigahan kung saan nagmula ang mga naturang patay na baboy na naanod sa kanilang lugar, at kung ano ang ikinamatay ng mga ito, sa pangambang tinamaan sila ng ASF.

Ayon kay Teodoro, walang slaughterhouse at wala ring mga piggery sa kanilang lungsod kaya’t posibleng mula aniya ito sa bahagi ng Rizal at naanod lamang sa kanilang lugar.

Kinumpirma na rin ng DA na tinamaan ng ASF ang ilang baboy na sinuri nila kamakailan.

MARIKINA RIVER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with