Ang mga shabu na tumitimbang ng may 500 gramo na nasamsam sa dalawang nadakip na suspect matapos ang isinagawang buy-bust operation kahapon sa Taguig City.
Kuha ni Miguel De Guzman
Taguig buy-bust: P3.4 milyong droga nasamsam
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - September 13, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Tinatayang umaabot sa P3.4 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) mula sa dalawang drug suspect na kanilang naaresto sa isang buy-bust operation na isinagawa sa harapan ng isang chapel sa Taguig City, kamakalawa hapon.

Kinilala ni PDEA Director General Aaron Aquino ang mga nadakip na suspek na sina Aljo Dinglasan Akaoka, alyas Nuel at Christian Reyes Aguilar, kapwa nasa hustong gulang at residente ng natu­rang lugar.

Batay sa ulat ni Dir. Levi Ortiz, director ng PDEA-Special Enforcement Service (SES), lumilitaw na  naaresto nila ang mga suspek dakong alas-5:30 ng hapon sa isang buy-bust operation sa harapan ng Saint Joseph Chapel sa Levi Mariano St., Brgy. Ususan, Taguig City, matapos na makatanggap ng tip hinggil sa ilegal na aktibidad ng mga ito.

Ang operasyon ay nag­resulta sa pagkakumpiska ng may limang nakabuhol na transparent plastic bags, na naglalaman ng humigit kumulang sa 500 gramo ng suspected shabu na may street value na P3.4 milyon, isang Honda Wave motor­cycle, isang foil pack na may label na Qing Shan at mga foreign characters, isang punit na brown paper bag na may lamang dalawang cellphone, mga identification cards, at P1,000 buy-bust money, na may kasamang mga boodle money, na ginamit sa operasyon.

 

DRUGS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with