Anak ng ex-chairman, 2 pa huli sa droga
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - September 13, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Huli ang tatlo katao, kabilang ang anak ng isang dating barangay chairman sa isinagawang buy-bust operation sa Pasig City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Eastern Police District (EPD) director P/BGen Johnson Almazan ang mga naarestong suspek na sina Artemio Victorino Jr., 35, anak ni Artemio Victorino Sr., na dating chairman ng Brgy. Bagong Ilog; Arnold Bole, 35; at Vergel Valiente, Jr., 33, na pawang residente sa nabanggit na barangay. 

Nauna rito, nakatanggap ng impormasyon ang EPD mula sa isang confidential informant na ang mga suspek ay sangkot sa pagbebenta ng ilegal na droga, kaya’t kaagad na nagkasa ng buy-bust operation laban sa mga ito.

Isang DDEU operative ang umakto bilang poseur buyer at nang maiabot kay Victorino ang buy-bust money, kapalit nang binibi­ling shabu ay kaagad na itong inaresto.

Sina Bole at Valiente ay naaktuhan namang bumabatak ng ilegal na droga sa naturang lugar, kaya’t naaresto rin ang mga ito. Nakumpiska ng mga awtoridad mula sa mga suspek ang may pitong pakete ng hinihinalang shabu, drug paraphernalia at buy-bust money.

 

DRUGS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with