Nanghipo ng pasahero: Taxi driver arestado!
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - September 12, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Arestado ang isang taxi driver matapos umanong hipuan at molestiyahin ang kanyang pasaherong estudyante sa Brgy. Barangka, Marikina City, kahapon ng umaga.

Kasong acts of lascivious­ness ang kakaharapin nga-yon sa piskalya ng suspek na si Pabiano Makiling, 48, taxi driver, bunsod na rin ng reklamo ng 23-anyos na college student na itinago sa pangalang Alice.

Batay sa reklamo ni Alice sa Marikina City Police, dakong 7:30 ng umaga nang maganap ang insidente sa loob ng taxi ng suspek, habang bumibiyahe sila sa tapat ng Riverbanks Mall, sa Brgy. Barangka.

Sumakay ang biktima sa taxi at nagpapahatid ito sa kanyang paaralan ngunit habang binabagtas nila ang kahabaan ng JP Rizal ay bigla na lang umanong pi-nagtatanong ng mga bastos na katanungan ng suspek  ang biktima.

Nagkwento rin umano ito ng mga kalaswaan sa biktima at saka hinawakan siya sa maselang bahagi ng katawan at tinangkang hubaran.

Pinayagan lamang uma­no ng suspek na ma­kababa ng taxi ang biktima pagsapit sa Katipunan Ave­nue, sa Quezon City. Hindi naman nag-aksaya ng panahon ang biktima at kaagad na humingi ng tulong sa mga tauhan ng Police Commu­nity Precinct 2 (PCP-2), na nag­resulta sa pagkakadakip   sa suspek na nakuhanan din ng shabu.

ARRESTED
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with