Ang baril na nakita sa bagahe ng isang pasahero matapos dumaan sa x-ray machine sa NAIA.
Dalawang pasahero sa NAIA, arestado sa baril sa bagahe
Butch Quejada (Pilipino Star Ngayon) - September 10, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dalawang pasahero ang inaresto ng mga awtoridad na sasakay sana sa dalawang magkakahiwalay na international flights sa dalawang terminals ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa pag-iingat ng mga baril na itinago sa kanilang mga bagahe.

Kinilala ang isa sa dinakip na si alyas Leandro Gatdula, pasahero ng Korean Airlines Flight 0Z 702 papuntang Incheon. 

Hinuli si Gatdula, dahil sa paglabag sa R.A. 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Isang 22 caliber pistol na may anim na bala at isang gun magazine ang nakita sa bagahe nito.

Pinigil si Gatdula sa initial screening check ng Terminal 1 sa NAIA.

Samantala, isang alyas Jason Tobias, 34, ang hinuli dahil nakunan ito ng isang revolber na baril at sasakay sana sa Philippine Airlines flight PR 658 papuntang Dubai.

Lumabag ang suspect sa R.A. 10591 o the Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Ang dalawang suspects ay sasampahan ng kaso sa Pasay City Prosecutor’s Office ng PNP Aviation Security Group.

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with