MRT-7 half finish na - DOTr
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - September 10, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inanunsiyo ng Department of Transportation (DOTr) na halos kalahati na ng konstruksiyon ng Metro Rail Transit Line-7 (MRT-7) ang nakumpleto na nila.

Ayon sa DOTr, sa kasalukuyan ay nasa 47.21% nang kumpleto ang MRT-7 construction.

Sinabi ng departamento na kabilang sa kasalukuyang civil works na kanilang isinasagawa ay ang guideway construction, underground/depressed at at-grade excavation o concreting works, at installation ng coping beam, girder at trans-slabs sa ele­vated structures.

“With the construction in full swing 24/7, the rolling stock and electrical and mechanical (E&M) works are also in progress. At present, 108 cars are already completed,” anito.

Kumpiyansa naman ang DOTr na pagsapit ng 2021 ay makukumpleto na nila ang may 22-kilometrong habang linya ng tren, na siyang magkokonekta sa Quezon City at San Jose del Monte, Bulacan.

Sa sandali aniyang mang­yari ito ay mababawasan na ang travel time sa naturang ruta na mula sa dating dalawa hanggang tatlong oras ay magiging 35-minuto na lamang.

“Once completed in 2021, this 22-kilometer rail line will connect Quezon City to San Jose Del Monte in Bulacan, which will reduce travel time from 2-3 hours to only 35 minutes, and will give Bulakenyos an efficient and convenient commuting experience,” pahayag pa ng DOTr.

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with