3,810 toneladang basura nahakot sa Manila Bay
Marc Jason Cayabyab (Pilipino Star Ngayon) - September 10, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tinatayang nasa 3,810 tonelada ng basura, water hyacinth, at putik o burak ang nahakot mula sa baybayin ng Manila Bay at mga estero sa Kamaynilaan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) mula nang ilunsad ang paglilinis sa mga ito nitong 2019.

Sa ulat ng Manila Bay Rehabilitation, mula Ene­ro 7 hanggang Agosto 31, ay 749.72 tonelada ang nakolek­tang basura sa baybayin ng Manila Bay at mga kalapit na lugar; 737.12 tone­lada naman ng basura at water hyacinth ang nahakot mula sa aplaya ng Baseco Compound sa Tondo.

Sa Pasig at San Juan rivers, nakahakot naman ng 901.85 toneladang basura, habang 1,422.17 tonelada naman ng burak ang nakuha mula sa mga estero at drainage na dumadaloy papunta sa Manila Bay.

Sinabi naman ni MMDA chairman Danilo Lim na ina­asahan pa nila ang pagdami ng mga basura sa Manila Bay sa mga susunod na buwan bunsod umano ng tag-ulan at masamang panahon.

“Dumadami ang basura sa Manila Bay tuwing pagkatapos ng malakas na ulan, pero patuloy ang rehabilitas­yon ng Manila Bay,” sabi pa ni Lim.

GARBAGE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with