Condo units sa Makati ginawang prostitution den: 7 Vietnamese nasagip
Ipinakita ni NCRPO chief Maj. General Guillermo Eleazar ang mga passport nang nasagip na mga Vietnamese na ginawang sex worker maging sa dalawang nadakip na Chinese matapos ang ginawang raid sa isang condominium sa Makati.
Kuha ni Miguel De Guzman

Condo units sa Makati ginawang prostitution den: 7 Vietnamese nasagip

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - September 6, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Pitong babaeng Vietnamese na sex workers ang nasagip ng mga tauhan ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) sa ginawang pagsalakay sa isang condominium ­building na ginagawang kuta ng isang internasyunal na sindikato ng human trafficking, Miyerkules ng gabi sa Makati City.

Dalawang miyembro ng sindikato na kapwa Chinese national ang nadakip sa operasyon.  Kinilala sila na sina Kuang Meiting at Li Xuemei.

Sa ulat, unang nakatanggap ang Regional Special Operations Unit (RSOU) buhat sa kanilang confidential informant sa iligal na operasyon sa ilang kuwarto sa isang condominium building sa may Malugay Street, Brgy. San Antonio, ng natu­rang lungsod.

Alas-10 ng gabi nang salakayin ng mga tauhan ng RSOU kasama ang mga operatiba ng Women and Children’s Protection Desk, Regional Intelligence and Detective Management Division, at Makati City Police ang Room 519, 803, 924 at 1823 ng naturang condo building.

Huli sa akto ang ilang babae habang may kasamang mga kustomer na Chinese national nang isa-isang pasukin ang mga kuwarto tanda na may nagaganap na bentahan ng aliw.

Dito inaresto sina Kuang at Li na itinuturong nagbubugaw sa mga babae at nagpoproseso ng booking at pagbabayad ng mga kustomer.

Sa imbestigasyon, lumalabas na ang operasyon ng sindikato ay nakabase sa internet kung saan inaalok ang mga kustomer ng sex service hindi lang ng mga Vietnamese na babae kundi  maging mga Chinese at Malaysian din.  Nabatid na gumagamit ang mga babae ng tourist visas sa pagpasok sa bansa.

Meron ding kuwarto sa condominium na tinatawag na “aquarium” o “show up room” kung saan makikita ang mga babae na pagpipilian ng mga kustomer. 

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9208 o ang Anti-Trafficking in Persons Act of 2003 na inamiyendahan ng RA 10364 o ang Expanded Anti-Trafficking Act of 2012 ang isinampa laban sa mga nadakip na suspek.

VIETNAMESE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with