Ang American national na si Jennifer Talbot habang karga ang baby boy na tinangka niyang ipuslit kahapon ng umaga.
Amerikana pinigil sa NAIA, beybi tinangkang ipuslit
Butch Quejada (Pilipino Star Ngayon) - September 5, 2019 - 12:00am

Inilagay sa belt bag

MANILA, Philippines – Isang 43-anyos na American national ang pinigil ng mga awtoridad sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 dahil sa tangkang pagpupuslit ng isang sanggol na inilagay sa loob ng kanyang belt bag.

Ang suspect ay na­kilalang si Jennifer Erin Talbot, na sasakay sana ng eroplanong Delta Airlines flight 189 papuntang USA via Narita, Japan.

Si Talbot, ay hindi na­kitaan ng pagkabalisa nang ibigay nito ang kanyang passport sa immigration officer sa departure area ng NAIA T3 para mabigyan ito ng ‘exit clearance’ pero ang sinasabing 6 day-old baby boy ay ipinasok nito sa isang malaking belt bag na dala niya bago siya pumila sa immigration counter.

Ayon sa airport observers, paglagpas niya ng immigration counter ay inilabas niya sa kanyang dalang belt bag ang bata at saka siya pumila sa final check in x-ray machine kaya naman ito pinaabante ng mga miyembro ng Office of the Transportation Security (OTS).

Ayon sa mga airport observers, nang bu­ma­ba ito papunta sa final boar-ding gate para maghintay ng boarding time ay ipinasok ni Talbot ang sanggol sa kanyang bagahe bago ito puma­sok ng final boarding gate dahil muling kukunin at titignan ng airline staff ang kanyang passport at boarding pass samantala ang sanggol na dala niya ay walang dokumento.

‘Ang hindi alam ni Talbot ay idadaan ang kanyang bagahe muli sa ‘redundance’ para sa final x-ray ng mga hand-carried baggages ng mga pasahero dahil ito ang protocol kapag US flight ang eroplano.

Sabi ng mga awtoridad, dito na nakita ang bata kaya kinuha ito sa bagahe at inilabas na lamang niya at kinarga nang mabuko ang kanyang modus.

Gayunman, si Talbot ay inimbitahan ng NAIA-NBI para sa masusing imbestigasyon samantala ang bata ay ililipat sa pag-iingat ng DSWD habang kinukunan pa ang una ng pahayag. Dagdag na ulat nina Doris Franche at Joy Cantos

NAIA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with