PNP-HPG nagdeploy ng lady cop riders sa EDSA
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - September 5, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Upang isulong ang ‘gender equality’, nag­deploy ang Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG ) ng special units na kinabibilangan ng mga babaeng riders na tutulong sa pagpapaluwag sa daloy ng trapiko sa kahabaan ng  EDSA.

Nitong Miyerkules   ay pinangunahan mismo ni PNP-HPG Director Police Brig. Gen. Eliseo Cruz ang paglulunsad ng HPG-All Women Patrollers/Traffic Supervisors Unit sa kahabaan ng EDSA sa panulukan ng Boni Serrano malapit sa Camp Crame, Quezon City.

Ayon kay Cruz, ang 20 kababaihang HPG officers ay kabilang sa Special HPG unit na mga sinanay na riders, traffic enforcement supervisors na kanyang binuo.

Sinabi ni Cruz na ang mga  kababaihang HPG officers ay itatalaga  sa EDSA sa dalawang shifts mula alas-5 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon at mula alas -3 ng hapon hanggang ala-1 ng madaling araw.

Ayon kay Cruz, ang HPG All-Women Patrollers / Traffic Supervisors Unit ay bahagi ng  kabuuang 48 babaeng pulis na nagtapos sa motorcycle riding school kung saan ang pagsasanay ay nagsimula noong nakalipas na taon.

Sa kabila nito, ang mga kababaihang ri-ders ay hindi mag-iisyu  ng tickets manapa’y makakatuwang  lamang ng mga kalalakihang HPG traffic enforcers na  awtorisado ng Land Transportation Office (LTO) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na mag-isyu ng ticket.

“We are on the pro-cess of applying for their deputization. But at the moment they are not allow (to issue tickets). The main responsibility of the lady riders is to help in the flow of traffic along ESDA, respond to vehicle-related crimes, and conduct enforcement on those who will violate traffic rules if necessary,” pahayag ni Cruz.

 

HPG
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with