American national huli sa marijuana sa NAIA
Butch Quejada (Pilipino Star Ngayon) - August 27, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang 30-anyos na American national ang hinuli ng mga awtoridad sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 habang nag-aantay ng flight nito papuntang Singapore, kamakalawa ng umaga.

Ang suspek na si Geoffrey Wai Hin Tsui, isang transit passenger galing Los Angeles California, USA, ay inaresto ng mga operatiba ng NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (IADITG) ng PDEA RO-NCR, sa departure area sa may transfer screening checkpoint ng paliparan.

Nakumpiska sa suspek ang isang pirasong pinatuyong dahon ng marijuana na nakasiksik sa kaha ng sigarilyo nito na nakita sa kanyang mga personal na kagamitan.

Sasampahan ng kasong kriminal si Tsui dahil sa paglabag sa Section 5 ng Article II ng Republic Act 9165 o “The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

MARIJUANA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with