^

Metro

2 bigtime ‘tulak’ dakma sa buy-bust

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sa kulungan ang bagsak ng dalawang sinasabing bigtime ‘tulak’ ng droga matapos masakote sa isinagawang drug-bust operation ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Brgy. Pinagbuhatan Pasig, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Director III Joel Plaza, Regional Director ng PDEA, ang nadakip na sina Ryan Chui Caiton, at  Julius Paya Villanueva, pawang 29-anyos at residente ng naturang lugar.

Ayon kay Leveret Lopez, District Officer ng Eastern District ng PDEA, dakong alas-5:30 ng hapon nang nakipagtransaksyon si Caiton sa isa nilang tauhan na tumayong buyer ng shabu sa gasolinahan sa Urbano Ave., sa nasabing barangay.

Habang nagkakaabutan­ ng shabu at pera ang mag­kabilang panig ay agad na nagsilabasan ang mga naka­kubling PDEA agent at dinakma ang mga nabanggit na suspek.

Nakumpiska sa mga sus­pek ang 25 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P170,000, drug paraphernalia, isang cellular phone, isang pulang Mitsubishi Galant (UBZ 69), isang weighing scale, isang black pouch, isang asul na Chituma motorcycle, at boodle money.

Nabatid na dati nang nakulong si Caiton matapos ma­sangkot sa droga pero nakalaya sa pamamagitan ng ‘plea bargaining agreement.’

Itinanggi naman ng mga suspek na sa kanila ang nakuhang droga at sasakyan.

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with