^

Metro

Janitress kakasuhan ng abortion

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang 36-anyos na janitress ang nakatakdang kasuhan ng pulisya makaraang aminin ang ginawang pag-inom ng gamot pampalaglag sa kanyang sanggol na dahilan ng pagkakaratay niya sa pagamutan, kamakalawa ng hapon sa Navotas City.

Mahaharap sa kasong paglabag sa Article 258 (Abortion) ng Revised Penal Code si Delasaly Albano, may-asawa at nakatira sa Blk 23 Lt 17 Socialized Tanza Homes, Brgy. Tanza 1, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng Navotas City Police, alas-2:30 ng hapon nang mapansin ng mister ni Delasaly na si Jonjon Albano, isang jeepney driver, na maputla at nanghihina ang misis sa loob ng kanilang bahay.

Dinala ni Jonjon si Delasaly sa Navotas City Hospital at nang kapanayamin ng nurse ay dito nadiskubre ang gina­wang pag-inom ng abortion pills ng ginang para malaglag ang sanggol sa kanyang sinapupunan.

Nagulantang din naman si Jonjon sa nadiskubre dahil sa hindi niya alam na buntis ang kanyang misis.

Sinampahan ng reklamo ng kinatawan ng Department of Social Welfare and Development na si Denmark Estaris si Delasaly makaraang maiulat ang ginawang paglaglag sa sanggol.

vuukle comment

ABORTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with