Quezon City Hall may ‘All Gender’ CR na!
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - August 25, 2019 - 12:00am

Para sa LGBT community

MANILA, Philippines — Mayroon na ngayong “All Gender” restrooms para sa mga miyembro ng LGBT (Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender) community sa Quezon City hall compund.

 Kahapon, nilagyan na ng QC Hall General Services Division  ng “All Gender” sign ang mga naitalagang CR  sa city hall compound para magamit ng mga miyembro ng LGBT.

 Ang hakbang ay bilang pagtalima ng Quezon City government sa City Ordinance 2357-2014 na kilala sa tawag na Quezon City Gender-Fair Ordinance.

 Sa ilalim ng batas na ito, ang lahat ng government agencies, private offices, commercial at industrial establishments ay dapat na maglaan ng  all-gender toilet rooms para sa LGBT community.

  Ang QC  Gender-Fair Ordinance ay naglalaan ng isang komprehensibong  anti-discrimination policy batay sa Sexual Orientation, Gender Identity and Expression (SOGIE).

 Una nang sinabi ni Que­zon City Mayor Joy Belmonte na poprotektahan ang kapakanan ng mga miyembro ng LGBT community mula sa mga lumalapastangan  sa kanilang karapatan.

 Ang lunsod ang unang nagtaguyod ng ordinansa sa buong bansa na nanganga­laga sa kalagayan ng LGBT community at si Belmonte ang nangunang ipasa ang naturang batas noong siya ay Vice Mayor pa lamang nito noong 2013.

ALL GENDER’ CR
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with